The Heavens

mwg22
The night sky over the hills of Himanag, Lagonoy, Camarines Sur. There’s Saturn as a bonus! For this shot: @18mm, ISO 1600, 30″, f/3.5. Taken May 13, 2016.

It was more than fifteen years ago since the very first time I saw the Milky Way. I was staying in my aunt’s place in an island fishing village in the Bicol region during the summer vacation. I woke up at around three in the morning to join the older men tend their fish cages. And as I looked up in the sky there it is. I just could not believe it. It was almost a magical feeling. I grew up in the city and there aren’t many stars visible through the city’s haze and pollution. So, the first time I saw it, I knew it got to be the Milky Way. And when the summer was over and another school year started, I used to tell my friends and classmates all about it. We were young kids. But sadly they don’t seem to share my excitement – which was fine with me. They always think of me then as rather eccentric kid, who always come up with strange stories of island adventures every time summer vacation is over.

So I then promised myself that in the future I’ll buy me a nice camera to take a snapshot of what I saw.

JEEPNEY

A common sighting in the rural areas: a lone jeepney is heavily laden with passenger. Photo courtesy of mudwrestler.deviantArt.com
A common sighting in the rural areas: a lone jeepney is heavily laden with passenger. Photo courtesy of mudwrestler.deviantArt.com

Araw-araw akong sumasakay sa jeep. Masikip. Maalog. Lumilipad! Masaya maging parte ng kulturang laman na ng kalsada. Mahangin. Kasabay ng pagharurot ng jeep, siya namang paglipad ng isip ko. Hindi rin maiwasang malubak ang daan, nakakatagtag ng kamalayan. May ilang beses na rin akong ginawang unan ng mga walang habas kung matulog sa jeep: at least, naging saksi ako sa panaginip at pangarap nila. Dumating din yung mga pagkakataong gustong gusto kong sumakay sa jeep dahil sa chance na makasabay at makatabi ko ang crush ko. Naranasan ko na ding sumakay sa jeep para lang mawala sa lansangan. Trip lang. Kakaibang trip!

Tayo na’t sumakay

Sa biyaheng makulay

 

Tayo na’t sumabay

Parte na ng ating buhay

 

Kulturang gumugulong

Sa kalyeng walang hanggan

 

Businang umuugong

Tinig ng hari ng daan

 

Naging saksi sa’ting umagang nagmamadali;

Mga sandaling ang iyong crush ay nakatabi

 

Di man maiwasang siksikan at mainit

At kung minsan nga katabi mo ay pangit

 

Di maiwasang maipit at ang katabi ay makulit

Upuang para sa lima, sampu ay pinipilit

 

Ngunit kung minsan nga ay nakakabad trip

Nakakainis kahit pa sa jeep ikaw ay umidlip

 

Ang katabi mong kung matulog ika’y ginawang unan!

At walang pakialam kung kanyang laway ika’y matuluan!

 

Ngunit kung pagmamasdan at nanamnamin

Nakakaaliw sa jeep na lumilipad sa hangin

 

Isama na ang barkada

Sa jeepneyng kay ganda

 

Pero kung minsan ika’y mangangalumata

Sa jeep na dugyot at nanggigitata

 

Basta’t wag kakalimutan

Mga gamit ay ingatan!

 

O sige na! kumapit nang mabuti

Pamasahe mo ma’y mumunti

 

Umpisahan na ang pasada

Simulan ang pag-arangkada

 

Ipinagmamalaking sariling atin

At malayo-layo na nga ang narating

 

At walang ganyan sa ibang landas!

Dahil dito lang yan sa Pinas!