KUWENTONG MASALIMUOT

A laborer by the Sunset. Photo by Christopher Barja
A laborer by the Sunset. Photo by Christopher Barja

KUWENTONG MASALIMUOT

Akda ni Christopher Barja

 

Heto na naman si Boy Kulot

Katinuan ng pag-iisip sa kanya’y pinagdamot

Pinandidirihan, madungis at mabantot

Walang habas kung siya’y umutot

 

Pagkakamaling bunga ng harot

Sa mata ng ama’y siya’y ‘sang salot

Sa kanyang amang puno ng puot

Dulot sa kanya’y bugbog at takot

 

Sa isang matinding sigalot

Sa kanyang kamay kutsilyo’y naabot

Sa isang kumpas, kamatayan ang dulot

Sa ospital, kanyang ama’y ‘di na umabot

 

Dala marahil ng matinding lungkot

Sarili’y pilit ibinaon sa limot

Mundong malupit at masalimuot

Para sa kanya’y tumigil sa pag-ikot

 

Naging palaboy sa kalyeng pasikot-sikot

Pag-asa’t pangarap sa kanya’y nasimhot

Sa problema niya’y solvent ang naging sagot

Ngunit sa realidad siya’y walang lusot

 

Tadhana sa kanya’y naging maramot

Laman ng tiyan ay basura dinadampot

Matinong damit ay walang maisuot

Sa malubhang karamdama’y ¬†walang gamot

 

Isang araw, si Boy Kulot

Sa bangketa’y nakabaluktot

Sa dyaryo siya’y nakabalot

Miserableng buhay ay maagang naudlot.

 

PALAY

A tribute to our old organization and to that somewhat auteur office ornament.

 

PALAY

 

O palay!

Ikaw ang aming gabay

Sa magandang hulagway

Ng aming buhay

 

Wangis mo’y tila’y

Bituing matamlay

Datapwat ika’y di gulay

O, kami’y sa iyo’y naglalaway!

 

Noong ika’y gawing kalamay

Kami’y bahagyang nalumbay

Ngunit damdami’y pinagtibay

Ng sustansiyang iyong taglay

 

Sa aming paglalakbay

Ika’y aming kaagapay

Kami’y sa iyo’y di mawawalay

O Teepee! Ipagbunyi ang ating Palay!

VERNAL EQUINOX

If only the tree could talk, it will tell everything to you...
If only the tree could talk, it will tell everything to you…

 

Out of nowhere it came

Melancholic life, just a game

Turbulent mind drifts to tame

Only time was there to blame

 

Gazing at the tree from the distance

Careful not show own existence

Like a ghost without a trace

Condemned to oblivious place

 

The rose was there for earth to feast upon

Encased within the trees, the wretched soul

Corpses litter the fields, decaying, rotten

Larvae consume the flowers, men by the ghouls

 

Beauty I found within darkness itself

Hymn of my heart that beats no longer

Veins of thorns plucked their rhythm

And blood spills out for song to linger

 

With life gone out of sight

Weeping pheasants cursed their flight

Trembling to face the sacred light

And vainly struggle with all their might

 

At last, the time has come

I wake up back to my reality

This vernal equinox so short my night!

My dream rests into tranquility.